Bagong bili ngunit di bagong libro.
Isang old skul edisyon ng libro ni Sir Ambeth Ocampo na Rizal without the overcoat at Mabini's Ghost.
Una kong nabasa ang Rizal without the overcoat sa library nung estudyante pa ako. Ito na siguro ang pinaka ayon na aklat kung mas nais mo pang makilala ang ating pambansang bayani, dahil sa libro hindi lang ang mga kadakilaang gawain ni Rizal ang tinatalakay, pinapakita rin dito si Rizal bilang tao. Minsan kasi nakakalituman natin na tao sya, tila demi-god kung ituring, parang ang unattainable ang nga ginawa nya, parang ang galing-galing, di na tao. Mga kang malalaman at mapupulot dito, ito ang librong nagkombinse sakin na si Rizal nga ang nararapat na pambansang bayani. Dito mo madidiskubre na si Pepe ay minsan may kalokohan din, makikipag-inuman at nagcocostume pa. Take note, Cleopatra pa.
Susubukan kong basahin muli ang Rizal without the overcoat kapag maluwag ako sa oras, sa ngayon Mabini's Ghost muna, si Sublime Paralytic na minsan nakakalimutan natin na bago sya malumpo, marunong syang maglakad.