Biyernes, Pebrero 14, 2014

Manawari-Sana Mangyari



Hari Manawari ni German Gervacio
Limbag ng Tapat Journal 2011
Ang ganda nito! Hindi ko akalaing magugustuhan ko ang mala-alamat o mitong katha ni German Villanueva Gervacio . Ang dami kong tawa dito.

 Isang kwento ng kababalaghan at kung anu-anu pa. Ewan ko pero nung una parang pakiramdam ko rip-off ng mga mito natin. Pero nagkamali ako. Pero wala rin naman akong ideya kung gayunman, basta ang alam ko maganda ang pagkakatahi-tahi ng istorya. Maaaring rip-off nga kay Lam-ang, dahil may hawig ang nangyari sa dulo at sa alaga niya. Magsimulang malabo ang istorya hangang nahing interesante sa kalagitnaan at mahirap naman bitiwan. 
Tingin ko naman talaga kung gagawa ka ng tulad ng ganitong katha mahirap mawala ang elemento ng mga mito ng bayan at iba pang karakter na pamilyar sa iyo. Tulad ng isang babaeng iisa ang mata, ibon na nagpapagaling ng sakit, sirena at marami pa. 

Isa sa paborito kong karakter ay yung munting Prinsesang Naka Upo sa Tasa at may dalawang Uod na tanod. Ang kulit ng Prinsesang yun, komedyante pa. Bagamat may malabo sa akin, hindi sinabi kung anu ang nangyari sa babaeng nakapila sa kanya bago ang Prinsipe. May isa papala, yung komedyanteng Ibon, na umamaawit na mala Levi Celerio at Freddie Aguilar. Wahaha! Ang dami ko talagang tawa nung binabasa ko ito, dun pa lang sa Diwata ng kagubatan eh, Mala-Fita ang peg.

Nga pala, nakalimutan kong banggitin na kwento ito ng paglalakbay, isang magulo at makulit na pakikipagsapalaran para sa pag-ibig. Oh pag-ibig. May hinahanap s'yang dilag na nagiwan lamang ng panyo. Sa paglalakbay nya makikila ang mga magiging kaibigan at mga alaga nya natutulong para mahanap ang dilag na ninanais nya. 
4-stars!
May plus pa yan, kasi maganda nagbook cover art na gawa ni Rai Cruz ang magagandang ilustrasyon sa loob. Astig!
Isang bahagi sa libro ay ang gabay sa pagbabasa ng akda ni Amang Jun Cruz Reyes. Buti na lang at nabasa ko na ang ilan sa akda nya kaya hindi ako nahirapan intindihin at ma-spoil ng gabay.
Isang bagay lang ang nakakalungkot. Natigil ang TAPAT Journal sa paglilimbag ng mga libro.
Ang mga larawan ay mula sa,
x