Biyernes, Pebrero 14, 2014

Manawari-Sana Mangyari



Hari Manawari ni German Gervacio
Limbag ng Tapat Journal 2011
Ang ganda nito! Hindi ko akalaing magugustuhan ko ang mala-alamat o mitong katha ni German Villanueva Gervacio . Ang dami kong tawa dito.

 Isang kwento ng kababalaghan at kung anu-anu pa. Ewan ko pero nung una parang pakiramdam ko rip-off ng mga mito natin. Pero nagkamali ako. Pero wala rin naman akong ideya kung gayunman, basta ang alam ko maganda ang pagkakatahi-tahi ng istorya. Maaaring rip-off nga kay Lam-ang, dahil may hawig ang nangyari sa dulo at sa alaga niya. Magsimulang malabo ang istorya hangang nahing interesante sa kalagitnaan at mahirap naman bitiwan. 
Tingin ko naman talaga kung gagawa ka ng tulad ng ganitong katha mahirap mawala ang elemento ng mga mito ng bayan at iba pang karakter na pamilyar sa iyo. Tulad ng isang babaeng iisa ang mata, ibon na nagpapagaling ng sakit, sirena at marami pa. 

Isa sa paborito kong karakter ay yung munting Prinsesang Naka Upo sa Tasa at may dalawang Uod na tanod. Ang kulit ng Prinsesang yun, komedyante pa. Bagamat may malabo sa akin, hindi sinabi kung anu ang nangyari sa babaeng nakapila sa kanya bago ang Prinsipe. May isa papala, yung komedyanteng Ibon, na umamaawit na mala Levi Celerio at Freddie Aguilar. Wahaha! Ang dami ko talagang tawa nung binabasa ko ito, dun pa lang sa Diwata ng kagubatan eh, Mala-Fita ang peg.

Nga pala, nakalimutan kong banggitin na kwento ito ng paglalakbay, isang magulo at makulit na pakikipagsapalaran para sa pag-ibig. Oh pag-ibig. May hinahanap s'yang dilag na nagiwan lamang ng panyo. Sa paglalakbay nya makikila ang mga magiging kaibigan at mga alaga nya natutulong para mahanap ang dilag na ninanais nya. 
4-stars!
May plus pa yan, kasi maganda nagbook cover art na gawa ni Rai Cruz ang magagandang ilustrasyon sa loob. Astig!
Isang bahagi sa libro ay ang gabay sa pagbabasa ng akda ni Amang Jun Cruz Reyes. Buti na lang at nabasa ko na ang ilan sa akda nya kaya hindi ako nahirapan intindihin at ma-spoil ng gabay.
Isang bagay lang ang nakakalungkot. Natigil ang TAPAT Journal sa paglilimbag ng mga libro.
Ang mga larawan ay mula sa,
x

Lunes, Pebrero 18, 2013

I wanna be a Tutubing Karayom

Isang Rebyu ng Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe.

"Tutubi, tutubi 'wag kang magpapahuli sa batang mapanghe", yan ang chant sa mga batang nanghuhuli ng tutubi. Unuulit-ulit sabihin para mapikon ka at tuluyan mo nang itigil ang pangangaso mo sa mga munting tutubi. Sa totoong buhay hindi ako marunong manghuli nito, lalo na yung tutubing kalabaw na mas higit na malaki at kulay kahel ang buong katawan. Ang tanging kaya ko lamang hulihin ay yung Karayom na maliliit at ibat-iba ang kulay.

Akala ko rin noon, nung una kong makita ang pabalat ng librong ito ay tungkol rin ito sa panghuhuli ng tutubi. Ang layo ng hula ko.

Ito pala ay isang nobela na tinangkang isalaysay ni JCR(Jun Cruz Reyes) ang mga karanasan ng mga estudyante ng Pisay sa mga unang araw ng Batas Militar. Ito daw ay panahon na hindi mo pwedeng sabihin ng deretso ang nasa isip, maraming pinagbabawal ang bagong lipunan sa ilalim ng batas na ito. Hindi ako naging bata ng Batas Militar, pero interesado talaga ako sa nakaraan, sa mga nangyari noon.

Ang kwento ay umiikot sa isang grupo ng magkakaibigan na pare-parehas hayskul at nagaaral sa Pisay. Iskolar ng bayan. At ang pakikipagpatintero nila sa kapalaran. Ayon kay JCR, pangtangka raw nitong isulat ang mga bagay na hindi pwedeng sabihin ng deretso, satire daw. Sa titulo, ang Tutubi ay ang mga estudyante ang Mamang Salbahe naman ay ang Metrocom, na nanghuhuli ng aktibista o kahit na sinung mapaghinalaan nito.

Nakakatawa ang kwento, sa simula palang ay uumpisahan na ng kalokohan, isang kalokohan na pagbibigay ng mga pangalang ni hindi mo kilala. Pero may kwento rin ng pagibig, kalaboso at gutom. Iba ang mamamaraan ni JCR sa pagsusulat, mas nananaig ang pangungusap ng kanyang konsyensya kaysa sa sasabihin ng karakter, pero ayus lang 1st person naman ang punto de vista ng kwento. Yun nga lang kung madali kang mainip, hindi mo ito matitripan.

Sa mga unang bahagi ng nobela, isasalaysay nya ang mga karanasan nya sa hayskul at ang kanyang mga guro, kasama rito ang kwentong pag-ibig nya at mga kalokohan nilang magtropa. Interesante ang mga karakter sa libro, nandyan si Minyong na mula sa isang tribo na pinasok sa Pisay, si Sir Kabayan na guro nila pero hindi lumabas ni isang beses sa mga senaryo sa librong, lagi lang siyang binabanggit, si Joey ang kaibigan nilang middle-class, si Lib ang artista sa tropa nila at si Kulas.

Sa pagbabasa nito, naalala kong bigla ang pelikula ni Sir Solito na Pisay at ang nobela ni L. Bautista na sa kaparehong panahon nangyari. Nasiyahan ako sa pagbabasa nito, isang magandang nobela na minumulat tayo sa nakaraan, sa mga pangyayari lagpas bago pa sa ating mga kapanganakan, ipinapakita nito kung paano at anung ang nangyari sa kanila noon at pinapaalala nang hindi tayo makalimot.


Kalaunan, may nalaman akong teknik para makahuli ng tutubi, madali lang pala. Lagyan mo ng toothpaste ang dulo ng isang tingting at idikit ito sa pakpak ng tutubi. Hehe.

Martes, Enero 22, 2013

Ang Rosales Saga; The Saga Review

Ang Rosales Saga ay limang nobelang isunulat ng ating Pambansang Alagad ng Sining na si Fransisco Sionil Jose. Ang limang libro ay ang mga sumusunod; "Po-on", "Tree", My Brother, my Executioner", "Pretenders" at "Mass". Limang nobelang naglalakbay ng isang daang taon mula sa panahon ng mga Kastila hangang sa mga unang taon ng Martial Law. Bagamat magkakarugtong ang mga nobela maaari mo itong basahin ng indibidwal at nang hindi sunod-sunod. Bawat nobela ay nakakatayong magisa sa kwento nito.  Lahat ng ito ay nasulat sa lenggwaheng ingles, dahil ito raw pinakakomportable wika ni Ginoong Jose.

Naumpisahan kong mabasa ang "Po-on"(Unang nobela sa Saga) sa huling mga buwang ng taong 2011, at dun ko rin nagpagisipang basahin ang limang nobela sa RS. Ang nabasa kong "Po-on" ay nasalin na sa Filipino ni Lilia Antonio. Ito ang naging rebyu ko sa nobela mula sa Goodreads.


Nobyembre 2011
 "Na-score ko 'tong librong ito one time sa NBS Bicutan, natsempuhang naka-sale. 100 pesos, kaya dampot agad punta sa counter para magbayad. Grabe galak at tuwa ko nun, dahil gusto kong mabasa ang Po-on at eto na nga ang tumambad sa harap ko, Po-on ni Sionil ang nakakatuwa pa, ung translated berso sa Filipino. Isang bagay lang ang nakakalungkot sa librong ito, medyo nagdedeteriorate na ang mga pahina, kumakawala na sila sa pagkakabind, kaya pala nakasale. Para hindi naman masayang ang librong ito, ginawan ko sya nang paraan tulad ng paggawa ko ng paraan sa mga lumang librong meron ako na inooperahan ko ang nilalagyan ng staple ang mga gilid ng binding, napagisip-isip ko sa susunod ung staple na de-baril na ang gagamitin ko para kumagat sa bawat pahina nito.

Balik tayo sa libro, ang bersyon ng librong ito ay salin sa Filipino ni Lilia Antonio isang manunula at essayist. Propesor ng Foriegn Studies sa Osaka Japan.

Ang Po-on unang libro sa tinaguriang Rosales Saga, limang konektadong libro na nilikha ng Natl Artist for Literature F. Sionil Jose. Ang limang libro ay konektado sa isa't isa, ngunit maari raw basahin ng magkakahiwalay o kahit hindi sunudsunod. Sinasabi rin ng iba na ang Po-on ang pinaka magandang nobela sa lima, at sabi nila parang tinamad na si Sionil sa apat na kasunod na nobela. Hindi ko panapapatunayan ito sa aking sarili dahil hindi ko pa nababasa ang apat na iba pang nobela, pero totoong naganda ako sa unang nobela ng rosales saga kahit pa ito ay naisalin na sa wikang Filipino. Minsan iniisip ko nga kung binasa ko ito sa Ingles mas magandahan kaya ako? Dahil syempre, hindi naman eksakto o perpekto sa perspektibo ni Sionil sa pagsalin ni Lilia. Ngunit gayon pa man, hindi nabawasan para sa akin ang ganda ng libro.

Ang libro ay tumatalakay sa isang pamayanan na ngalan ay Po-on at ang pamilya nila Estaqio Salvador na lumikas mula norte papuntang lambak pero nakita ang lugar nila sa Rosales, Pangasinan. Dito sila nagsimula muli ng bagong pamayanan na tinawag nilang Cabugawan. Ang istorya ng Po-on ay umiikot sa pamilya ni Estaqio o mas kilalang Istak, isang dating sakristan na pinangarap maging pari ngunit na udlot na may dumating na bagong pari at pina balik sya sa Po-on nang malaman ni Istak nang hindi sinasadya ang pagabuso nito sa isang dalaga. (spoiler!) At naging sukdulan ang lahat ng hindi sinasadyang mapatay ng ama ni Istak ang bagong pari. Dun nagsimula ang kanilang paglalakbay papuntang timog. Kung saan kailangan muli nilang magsimula sa wala. Magnakaw ng bukid sa kagubatan at hawan ang mga lupa upang maging bukid. Naging manggagamot si Istak kanilang maliit na bayan, marami syang nalalaman. Ito'y dahil na rin sa kanyang karanasan sa sakritiya at mga natutunan mula sa matandang pari na si Padre Jose na tinuturing niyang guro at mabait na prayle. Hangang sa dumating ang mga bagong mananakop, dumating ang mga Amerikano. At dito na nga lumabas ang dalawang kilalang bayani ng ating bansa, pero tulad ng ibang rebyu dito, hindi ko sasabihin kung sino sila. Pero sa bandang huli ng libro dito kung saan sila lalabas, magiging nakapaka interesante at baka tapusin mo na at hindi bitawan tulad nagawa ko. 5 Stars"




 Ang "Tree" naman ang sinunod ko bumili ako nito sa Fullybooked. At agad binasa. Naisipan kong basahin sa buong RS sa taon na sumunod(2012).  Manipis lang ang libro at malungkot, ito ang naging rebyu ko.

Enero  2012
"Death---

Tree is the 2nd novel of F. Sionil Jose's most epic work commonly known as the Rosales Saga. Five novels that spans 100 years that depicts Philippine History and portraying Filipino lives.

The book tells a story of a young boy who grew up in a Hacienda up north with his father, relatives, servants and other people below his social class. His father was an "encargador" to a wealthy haciendero, Don Vicente. His father's task as an encargador is to manage and overview Don Vicente's land. As expected of F. Sionil this book has its share of social criticism. Oppression and social injustice bleeds in every chapter of this book. Souring farmer peasant to landlord relationship and land grabbing by cheating farmers in torrens title(reminds me of Amado Hernandez's "Langaw sa isang basong gatas").

He tells the story of his childhood and memories and stories of his friends. I like the story about his Tio Baldo and Old David. Can't remember the boy's(narrator) name, I don't think he even mention it in the book. What I know is, his grandfather was in the first novel of Rosales Saga, Po-on: Isang Nobela who later died pleasantly while asleep with him in this sequel.

This is a story of grief, failure and death and a tree. Balete tree. Where most of significant setting was plotted. Under the shade of this tree, Istak and his family once rest and shade, this is where Baldo hanged himself, the venue for almost all the important gatherings.

They say that Po-on was the only book worth reading in his 5 novel-saga. I have read the the first novel(Po-on) and this(Tree) to see for myself if its true and hope to finish the other 3 books this year. And I'll be honest, this was inferior to the first but I think this book is still worth reading. Four stars."


Pagkatapos nun, natigil ako, medyo mahal ang mga sumunod na libro at ayoko rin naman bumili ng newsprint. Tapos bigla nalang may nagbenta ng "Mass" sa internet. At dun ko nabili ang segunda manong kopya ko. Pero pagkakataon nga naman, napareserve ko ang librong ito sa internet ng isang araw pumunta ako sa bookcovering meet-up ng grupo namin sa Goodreads para sa isang outreach program nang may magregalo sa akin ng buong RS na si Miss Ronie! Doble copy ika nya, pero hindi ko naman akalain na ang dobleng kopya nya ay ang buong RS! Ang saya nung araw nayun parang pasko.

Sumunod kong basahin ang "Mass" at binasa kong kopya ay yung nabili ko sa internet para hindi maluma agad ang regalo sa akin, yun din yung panahon na yun na namahinga na ang lola ko sa Pangasinan(Manaoag) ang "Mass" din ang librong dinala ko nung umuwi kami sa probinsya para sa lamay at libing isang Linggo rin ako naroon. At nakita ko na rin sa wakas ang Rosales, hindi mo yun makakaligtaan dahil makikita mo ang "SM ROSALES" sa highway.



Ito ang naging rebyu ko sa "Mass"


Marso 2012
"I expected so much from this book, I'm disappointed or maybe I was disappointed the way the story turned out to be or maybe I was boxed on the idea of other novels set in the same dark era;A nationalistic protagonist challenging a rotten system, being so idealistic as a youth.

Mass tells about a story of Pepe Samson, a native from Cabugawan, a young lad who has a laid back attitude, loves to eats and hates going to school but loves literature. He finds himself in a cluttered and densely populated city of Manila trying to get a degree but more than that he was trying to find his own identity. He hopes to enroll in a state university but he soon found out his money was not enough because he spent much of his money eating at restaurants and watching movies rather taking entrance exams on state universities, he later found himself in a diploma mill.

This was the last installment of the Rosales Saga which started in Rosales Pangasinan. Pepe was a descendant of Istak Samsom, who was was the protagonist in Po-on, the first novel in the Saga.

The story revolves around him and his ways, his attutides and his path to self exploration and trying to know himself, his roots.

It was an unlikely character/protagonist for someone like F. Sionil to have, specially if you are a writer like him who likes to dealt and writes socially relevant stories and novels. But the story really turned out good.4Stars "


Pagkatapos nun, nakakuha ako ng trabo, buwan ng Abril ng isunod kong basahin ang "My Brother, my Excetioner". 



Abril 2012

"I have always admired F. Sionil Jose's works, from short stories to his novels but this one, I felt like I'm reading his previous works in the Saga. He is repeating himself, preaching. Not that I don't like the book or the story of the book, maybe if I'm a newbie in his styles and point of views and social commentaries from his other books, I would really like this one. So lets rate this book as if this was my first Sionil Jose book.

This(again) was part of the fame Rosales Saga, 5 Chronological novels Sionil Jose written from the past decades and can be read individually. My brother, my executioner was a story of half brothers Luis and Vic separated by fate and principles.

They say this was the most emotional or dramatic book from the saga and this was my fourth book from it, and I could say that this was the emo one. The story goes like this, this might sound telanovelic, Luis the older one was a son of a Haciendero that would automatically make him a heir. While Vic was a son of a farmer who later died when his they are both young. They both shared they're childhood in a small town Sipnet with their mother and grandfather till the time Luis was summoned by his father Don Vicente Asperri.

Luis will later find out his own history on what happened to his father and his mother, his fathers history and how it works on the hacienda and the politics of power his family holds. He was on his way wondering and trying to decipher himself, he was an Emo, a man who had so much but was so empty and hollow inside, then there was his brother Vic who became a rebel commander, firm and sure with his own convictions and was trying to reform and change the system only now he was not after foreign conquerors but with his own kin and only brother.


This book is still very relevant today, our social classes, the governments atrocities, the agrarian disputes and the mainstream media and the exploitation of the thing, the shitness of our culture and ways. This book has everything you should know about ourselves and about our race.4Stars"


Pagtapos nun, natigil ako bigla, hindi ko agad sinunod basahin ang "The Pretenders", hindi ko rin alam. Pero hindi naman natapos ang pagbabasa kong FSJ books nun, sa katunayan ang mga sumunod kong binasa noon ay "Ermita"

At ayun na nga, dumating na ang Disyembre ng taong 2012, dun ako tineympo basahin ang "The Pretenders". Nagcram sa huling Linggo ng taon ng Disyembre. At dito ko ipopost ang rebyu ko.
 
Disyembre 2012

Matapos ang matagal na pagkabakante sa pagbabasa ng RS, Disyembre na nang maalala kong kailangan ko itong tapusin bago mag 2013. At ayun nga dalawang Linggo bago magpalit ng taon ang hinugot ko ito mula sa aklatan ko para basahin at magcram! 









Ang kwento sa nobela ay umiikot kay Antonio Samsom at ang kanyang paghahanap ng kanyang sariling identidad at paghahanap ng kanyang sariling pinagugatan. Sa ibang bansa habang kumukuha siya ng Phd. nakilala nya ang si Carmen Villa, mula sa prominenteng pamilya sa Pilipinas na kasalukuyang nagaaral din tulad nya. Dun na rin marahil namuo ang kanilang pagsinta na nauwi sa huli sa kasawian. Haha.

Kakaiba ang kwentong ito, bagaman hindi pa rin nawawala ang sosyal na komentaryo at pagpukaw ni FSJ sa mga problema ng ating kamalayan at aspetong sosyal, dito ay pinakita nya kung papaanong ang isang taong naghahanap ng katuparan para alisin ang tanikala sa kamalayan sa pamamagitan ng pagtuturo ay napilitan talikuran ang lahat at unti-unti nilamon ng kurapsyon. 

Naging malupit ang kapalaran ni Anton, pero sa huli siya rin ang nagpasya kung papaano wawakasan ito. Dito gustong ipakita ni FSJ na lahat ng bagay ay magpresyo, kahit tao at kaluluwa nito. Pero hindi ang pagkatao ni Anton. Dito pinapakita nya kung papaanong nakokontrol ng mga iilang malalaking pamilya ang mga lalaking bagay na pwedeng bumigo at lalong ilugmok ang bansa natin sa kahirap, mga pagsasamantala na pwede nilang idulot sa mga maliit na tao at kung papaano ito patatahimikin at tila palabasin na walang nangyari, walang naargabyado.

“Sometimes you look at yourself in the mirror, any mirror, and you wonder why that nose looks as it does, or those eyes--what is behind them, what depths can they reach. Your flesh, your skin, your lips--you know that that face which you behold is not yours alone but is already something which belongs to those who love it, to your family and all those who esteem you. But a person is more than a face or a bundle of nerves and a spigot of blood; a person is more than talking and feeling and being sensitive to the changes in the weather, to the opinions of people. A person is part of a clan, a race. And knowing this, you wonder where you came from and who preceded you; you wonder if you are strong, as you know those who lived before you were strong, and then you realize that there is a durable thread which ties you to a past you did not create but which created you. Then you know that you have to be sure about who you are and if you are not sure or if you do not know, you have to go back, trace those who hold the secret to your past. The search may not be fruitful; from this moment of awareness, there is nothing more frustrating than the belief that you have been meaningless. A man who knows himself can live with his imperfections; he knows instinctively that he is part of a wave that started from great, unnavigable expanses.” - F.Sionil Jose; The Pretenders.


Hindi ako binigo ni FSJ sa kanyang Rosales Saga, tingin ko ito na ang pinaka maganda katha na meron tayo(Pilipino). Pwede na rin siguro natin ito ituring na "Greatest Filipino Novel". Marami akong natutunan sa pagbabasa ng limang nobelang ito, mula sa mga halamang gamot, ang relasyon noon ang mga haciendero- encargador - at alipin, ilang pamamaraan ng pagtotorture, ilang lutong Ilocano, marami pa- hindi ko lang kayang sabihin lahat,haha. Mas maganda kung babasahin nyo rin mismo at mula sa libro nyo natutunan ang mga bagay na hindi na sasabi o ni pahapyaw ay natuturo sa loob ng silid aralan. 

Sana Mabasa mo rin ito- 










Martes, Nobyembre 6, 2012

Ang Walang Kamatayang Lola

Ang Walang Kamatayang Lola
Isang Dakilang Pamana

Sinung hindi nakakakilala kay Lola Basyang? Isang character na ginawa ni Severino Reyes, Ama ng Sarsuelang Tagalog at kilalang Mandudula. Unang binuhay ang karakter ni Lola Basyang sa Liwayway Magazine noong Mayo 22, 1925, sa unang kwentong "Ang Plawtin ni Pereking" at nagpatuloy hanggang 1942. Umabot nang halos limandaang kwento, sa aking teyorya, marahil kung hindi sumiklab ang ikalawang gerang pandaigdigan siguro ay mas tatagal at marahil umabot ang bilang ng kwento hanggang isang libo.

Ayon sa librong  "Mga Kwento ni Lola Basyang" na pinublish ng Tahanan Books, ang insperasyon ni Lola Basyang ay mula nang minsang mainbita si Severino at kanyang anak na si Pedrito  sa tahanan ng mga Zamora sa Quiapo, Maynila upang maghapunan, at matapos kumain ay nakita nya si Gervecia Guzman Zamora o Lola Basyang na tinitipon ang kanyang mga apo upang kwentuhan, uupo ito sa tumba-tumba at gagawa ng nganga at ngunguyain ito habang nagkukwento. At napagalaman ni Severino o Don Binoy na gabi-gabi itong ginagawa ng maglolola.

                      Kilala ko lang dati si Lola Basyang bilang isang Lola Basyang, isang lolang nagkukwento habang nakaupo sa kanyang tumba-tumba bukod dun wala na. Hindi ko kilala si Don Binoy, wala akong alam ni isang kwentong ginawa nya at marahil kung nakabasa na ako dati ng mga alamat ng iba pa nyang kwento, hindi ko alam kung gaano kalaki ang importansya nito hindi lang isang simpleng kwentong pambata kung hindi halaga bilang isang literatura.

Buti na lang talaga naligaw ako sa booth ng Tahanan Books noong nakaraan Manila International Book Fair,  nagpublish sila ang dalawang librong antolohiya ng mga kwento ni Lola Basyang sa orihinal nitong lenggwahe at muling binuksan ang pinto ang mundo ng mga alamat, kababalaghan, mahika at mga kaharian.



Kada libro ay naglalaman ng labing dalawang kwento, mga piling kwento mula sa halos limang daang likha ni Don Binoy. Sa ngayon, nasa volume 2 palang ang serye ng libro sana ay may kasunod pa ito.

Madali at nakakaaliw basahin ang libro medyo may kalaliman lang ang ilang mga katagang ginamit sa mga kwento. Sa unang libro palang marami na akong naging paboritong kwento,

"Lokohan sa Langit" isang kwento kung papaano kanapasok ang isang doktor at abugado sa Langit na ayon kay San Pedro ay hindi nila kailangan roon dahil walang nagkakasakit at walang kaguluhan para kailanganin ang isang abugado.

"Ang Walong Bulag" ang pakikipagsapalaran ng walong bulag sa buhay, nakakatuwa ito, ito ang paborito ko sa volume 1 ng antolohiya. Hindi ko na sasabihin pa kung bakit, kailangan mong basahin para malaman kung bakit.

"Pedrong Walang Takot" isang napakalaking kabalbalan ng ginawa ng mga magulang ni Pedro pero hindi iyon naging hadlang sa kanyang pakikipagsapalakan at sa kanyang walang hanggang tapang. Nakakatuwa rin ang kwentong ito, dito pipilitin ni Pedrong pahigain ang patay dahil ito ay biglang bumangon ika nya patay ka na dapat ay humiga na lang sa iyong kabaong. Haha!

"Ang Mahiwagang Kuba" Titulo palang tila nakakatuwa na, pero bukod dun, may kakaibang anyaya ang kwentong ito.

"Mariang Makiling" Ang kwento ng diwata ng bundok ng Makiling sa Laguna. Kung papaano naligaw sa mundo ni Maria ang isang taga lupa o tao.

Sa volume 2 ng libro, narito ang mga naging paborito ko at mga nagustuhan kong kwento.

"Ang Plawtin ni Pereking" ito ang unang kwento ni Lola Basyang at pakikipagsapalaran ni Pereking para iligtas ang kanyang mga gahamang kapatid.

"Ang Sula ng Sawa" kwento ng isang lalaking may kakambal na ahas, ayon rin sa ating kwento o mito may dala itong swerte at kamalasan, pero ibang kaswertehan at pakikipagsapalaran ang laman ng kwento.

"Prinsipeng Mapaghanap" paano nga ba umibig?Isang prinsipeng pala pintas na naghahanap ng kanyang mapapangasawa. Isang kwento sa paghahanap ng isang pagibig na nauwi sa ulirang pagibig.

"Binibining Tumalo sa Hari" may pagkafeminista pala si Lola Basyang, sa kwentong ito, pinapakita ang kakayahan ng isang babae na hindi dapat nagpapatalo kahit pa sa isang hari.

"Ang Tatlong Nagpaligsahan"  kahawig nito ang "Lokohan sa Langit" ay elemento ng panlilinlang pero magandang kwento.

Maganda lahat ng kwentong nasa libro, piling-pili ito at walang tapon. Noong una ko nga itong binasa, naghahanap ako ng magandang aral sa kwetong, mga moral lesson pero wala agad akong nakita bagkus iba ang nakita ko, ang kagandahan ng likha ni Don Binoy, ang pagbubukas muli ang aking imahinasyon at pagpapaalala sa akin ng mga bagay na nalimot ko nang ako ay magkagulang na.
Salamat na lang talaga ay meron tayong Walang Kamatayan Lola.



Linggo, Oktubre 14, 2012

Book Hoarding


Manila International Book Fair 2012 Book Hoard :)
Medyo huli na ito! Pero oks lang, gusto ko lang ipagyabang ang nabili ko sa MIBF. (Aminin na natin. Diba? ayun din naman ang dahilan kung bakit ka nagpopost ng mga larawan sa mga blog entries natin? Hindi lang para i-share at ipa-appreciate kung hindi para rin maipagyabang.) At eto na nga, pinagmamalaki kong ibahagi sa buong cyberspace ang mga nabili kong libro!

Pulos lokal books ang nabili ko, wala akong binili kahit isang foriegn na libro. Wala akong amor sa kanila. Joke lang, Haha. Mas gusto ko kasi ang Phil-Lit at isa pa bihira ako makakita ng lokal na librong naka sale at meron namang Booksale para sa mga foreign na libro.

Listahan mula itaas pababa.
Ang Kanilang mga Sugat - Genoveva Edroza-Matute
Ang Huling Dalagang Bukid at Ang Authobiography na Mali Isang Imbestigasyon - Jun Cruz Reyes
Caves and Shadow - Nick Joaquin
Summer Soltice and Other Stories - Nick Joaquin
Reportage on Lovers - Quijano de Manila(Nick Joaquin)
Reportage on Crime - Quijano de Manila(Nick Joaquin)
Candido's Apocalypse - Nick Joaquin
Mayday Eve and Other Stories - Nick Joaquin
Palasyo ni Valentin - Mario O'Hara
Piping Dilat - Teo T. Antonio
Damaged People: Tales from the Gothic-Punk - Karl De Mesa
Agaw Dilim Agaw Liwanag - Milan Abreu
One Hundred Love Poems - Jimmy Abad/Alfred Yuson
Fourteen Love Stories - Jose Dalisay/Angelo Lacuesta
Best of Youngblood 1 - Jorge Aruta
Geek Shall Inherit the Earth - Carljoe Javier
Walong Diwata ng Pagkahulog - Edgar Calabia Samar
The Best of Mang Ambo - Larry Alcala
Sugar and Salt - Ninotchka Rosca
Tikim - Doreen Fernandez
Mga Kwento ni Lola Basyang 1 - Severino O Reyes
Mga Kwento ni Lola Basyang 2 - Severino O Reyes
Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Short Story Anthology

Ang total 23 na libro, karamihan ay discounted pero may ibang hindi rin. Hindi ko rin namalayan na Marami na akong nabili namalayan ko na lang na wala na akong pera. Apat na Booth lang ang binilhan ko,
Anvil Publishing -  (Dito naubos pera ko)
UP Press -  Di gaanong maganda ang bargain sale nila ngayon, pero ayus naman.
Tahanan Publishing  - (Kung saan ko nabili ang Lola Basyang books ko. Ang totoo nyan, wala na silang kopya nung book 1, at 2 na lang ang naabutan ko nun, gusto ko kasing bilhin parehas, eh naawa sila sakin sa pagmamakaawa ko, binigay nila yung isang copy na tinagago nilang book 1. Ayun! Tenkyu Tenkyu Talaga!)
New Day Publishing - Kung saan ako nakabili ng Larry Alcala komik strip book. Idol ko si Mang Larry. Mas nauna kasi akong nahumaling sa komiks kesa sa libro.

May ilan na akong nabasa, Ang Kwento ni Lola Basyang 1 at 2. At kasalukuyang binabasa ang Damaged People at ang Huling Dalagang Bukid. Sana mabasa ko silang lahat hindi man ngayong taon. Haha. Ngayong taon ko din balak mag Nick Joaquin, kaya marami rin akong biniling Nick. Yung Walong Diwata naman nabasa ko na, bumili lang uli ako ng kopya dahil niregalo ko sa ibang kaibigan ang naging una kong libro.
Game basa na!

-Ayban

Biyernes, Oktubre 12, 2012

Tukador




Ito ang itsura ng mga libro sa kwarto. Magulo, halu-halo at kung anu-ano ang nakapatong at nakasalansang. Isang kategorya lang ang malinaw, ang lahat ng libro sa ikalawang palapag nito ay Literaturang Pilipino. Doon nakalagay ang Rosales Saga ko, lahat ng akda ni Ka Amado, mga student edition na libro ng UP Press at mga akda ni Lualhati Bautista at iba pang libro ng manunulat na Pilipino mula kay Edith at Edilberto Tiempo hanggang kay Bob Ong.

 Hindi ko maalala kung kailan ako nagsimulang nahilig sa Literaturang Pinoy, ang naalala ko lang nung mga panahong nasa kolehiyo ako, ginusto kong mas makilala ang aking sarili at higit sa lahat ang aking bayan. Doon ko natagpuan ang libro, sila ang silong at kubkuban ko at hindi ako nabigo.

 Sa kwarto namin ng mga kapatid ko mga libro ang naghahari kahit ako lang sa pamilya namin ang nagbabasa ng mga ito. Iba't iba ang hilig namin. Ang gitara sa larawan ay sa kapatid ko, wala siyang hilig sa pagbabasa mas hilig nya ang musika.

 Hindi ko rin namalayan na marami na pala akong libro sa kwarto, hindi ko na rin namalayan na hindi na ako makasabay sa dami nila. Mas madali ang bumili ng bumili ng libro kesa magbasa. Mabilis ako sa pagbili pero mabagal sa pagbabasa. Kung ituturing mga nasa kalahati palang ng mga Phil-Lit na libro ko ang aking nababasa. Ang mga klasikong ingles, pilosopiya, kontemporaryong ingles atbp. nalibro na nasa tukador ay nagaabang para sila'y basahin o buklatin man lang.

 Magulo ang tukador ng mga libro ko, labu-labo. Mas marami ang walang plastic cover sa meron. Minsan ko lang kasing mapagtripan ang plastic cover. Minsan bumili ako ng plastic adhesive para balutan ang mga lumang libro na nabili ko ng segunda mano. Mas mura kasi, hindi ako bumibili nga libro sa anyo nila. Kung bago o segunda mano, wala akong paki, mas mahalaga sa akin ang kanilang nilalaman. At masaya rin ako sa pakiwari na hindi lang ako ang nakapagbasa ang librong tangan ko, dahil binili ko ito mula sa dati nyang amo at hindi sa bookstore.


 May trabaho na ako ngayon, bagama't part-time lang, nagawa ko namang bumili ng isang tukador na mas mainam at maisasaayos ang kalagayan nila. Eto na sila ngayon. Phil-Lit pa rin ang hari sa bago kong tukador, dalawa sa palapag nito ay para lamang sa kanila.

Pero medyo luma na itong larawan na ito, bigla kasing nagdaan ang Manila Intl. Book Fair, at nadagdagan sila.

-Ayban

Lunes, Hunyo 4, 2012

(H)Istorya

Bagong bili ngunit di bagong libro. 

Isang old skul edisyon ng libro ni Sir Ambeth Ocampo na Rizal without the overcoat at Mabini's Ghost.

Una kong nabasa ang Rizal without the overcoat sa library nung estudyante pa ako. Ito na siguro ang pinaka ayon na aklat kung mas nais mo pang makilala ang ating pambansang bayani, dahil sa libro hindi lang ang mga kadakilaang gawain ni Rizal ang tinatalakay, pinapakita rin dito si Rizal bilang tao. Minsan kasi nakakalituman natin na tao sya, tila demi-god kung ituring, parang ang unattainable ang nga ginawa nya, parang ang galing-galing, di na tao. Mga kang malalaman at mapupulot dito, ito ang librong nagkombinse sakin na si Rizal nga ang nararapat na pambansang bayani. Dito mo madidiskubre na si Pepe ay minsan may kalokohan din, makikipag-inuman at nagcocostume pa. Take note, Cleopatra pa.

Susubukan kong basahin muli ang Rizal without the overcoat kapag maluwag ako sa oras, sa ngayon Mabini's Ghost muna, si Sublime Paralytic na minsan nakakalimutan natin na bago sya malumpo, marunong syang maglakad.