Linggo, Oktubre 14, 2012

Book Hoarding


Manila International Book Fair 2012 Book Hoard :)
Medyo huli na ito! Pero oks lang, gusto ko lang ipagyabang ang nabili ko sa MIBF. (Aminin na natin. Diba? ayun din naman ang dahilan kung bakit ka nagpopost ng mga larawan sa mga blog entries natin? Hindi lang para i-share at ipa-appreciate kung hindi para rin maipagyabang.) At eto na nga, pinagmamalaki kong ibahagi sa buong cyberspace ang mga nabili kong libro!

Pulos lokal books ang nabili ko, wala akong binili kahit isang foriegn na libro. Wala akong amor sa kanila. Joke lang, Haha. Mas gusto ko kasi ang Phil-Lit at isa pa bihira ako makakita ng lokal na librong naka sale at meron namang Booksale para sa mga foreign na libro.

Listahan mula itaas pababa.
Ang Kanilang mga Sugat - Genoveva Edroza-Matute
Ang Huling Dalagang Bukid at Ang Authobiography na Mali Isang Imbestigasyon - Jun Cruz Reyes
Caves and Shadow - Nick Joaquin
Summer Soltice and Other Stories - Nick Joaquin
Reportage on Lovers - Quijano de Manila(Nick Joaquin)
Reportage on Crime - Quijano de Manila(Nick Joaquin)
Candido's Apocalypse - Nick Joaquin
Mayday Eve and Other Stories - Nick Joaquin
Palasyo ni Valentin - Mario O'Hara
Piping Dilat - Teo T. Antonio
Damaged People: Tales from the Gothic-Punk - Karl De Mesa
Agaw Dilim Agaw Liwanag - Milan Abreu
One Hundred Love Poems - Jimmy Abad/Alfred Yuson
Fourteen Love Stories - Jose Dalisay/Angelo Lacuesta
Best of Youngblood 1 - Jorge Aruta
Geek Shall Inherit the Earth - Carljoe Javier
Walong Diwata ng Pagkahulog - Edgar Calabia Samar
The Best of Mang Ambo - Larry Alcala
Sugar and Salt - Ninotchka Rosca
Tikim - Doreen Fernandez
Mga Kwento ni Lola Basyang 1 - Severino O Reyes
Mga Kwento ni Lola Basyang 2 - Severino O Reyes
Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Short Story Anthology

Ang total 23 na libro, karamihan ay discounted pero may ibang hindi rin. Hindi ko rin namalayan na Marami na akong nabili namalayan ko na lang na wala na akong pera. Apat na Booth lang ang binilhan ko,
Anvil Publishing -  (Dito naubos pera ko)
UP Press -  Di gaanong maganda ang bargain sale nila ngayon, pero ayus naman.
Tahanan Publishing  - (Kung saan ko nabili ang Lola Basyang books ko. Ang totoo nyan, wala na silang kopya nung book 1, at 2 na lang ang naabutan ko nun, gusto ko kasing bilhin parehas, eh naawa sila sakin sa pagmamakaawa ko, binigay nila yung isang copy na tinagago nilang book 1. Ayun! Tenkyu Tenkyu Talaga!)
New Day Publishing - Kung saan ako nakabili ng Larry Alcala komik strip book. Idol ko si Mang Larry. Mas nauna kasi akong nahumaling sa komiks kesa sa libro.

May ilan na akong nabasa, Ang Kwento ni Lola Basyang 1 at 2. At kasalukuyang binabasa ang Damaged People at ang Huling Dalagang Bukid. Sana mabasa ko silang lahat hindi man ngayong taon. Haha. Ngayong taon ko din balak mag Nick Joaquin, kaya marami rin akong biniling Nick. Yung Walong Diwata naman nabasa ko na, bumili lang uli ako ng kopya dahil niregalo ko sa ibang kaibigan ang naging una kong libro.
Game basa na!

-Ayban

Biyernes, Oktubre 12, 2012

Tukador




Ito ang itsura ng mga libro sa kwarto. Magulo, halu-halo at kung anu-ano ang nakapatong at nakasalansang. Isang kategorya lang ang malinaw, ang lahat ng libro sa ikalawang palapag nito ay Literaturang Pilipino. Doon nakalagay ang Rosales Saga ko, lahat ng akda ni Ka Amado, mga student edition na libro ng UP Press at mga akda ni Lualhati Bautista at iba pang libro ng manunulat na Pilipino mula kay Edith at Edilberto Tiempo hanggang kay Bob Ong.

 Hindi ko maalala kung kailan ako nagsimulang nahilig sa Literaturang Pinoy, ang naalala ko lang nung mga panahong nasa kolehiyo ako, ginusto kong mas makilala ang aking sarili at higit sa lahat ang aking bayan. Doon ko natagpuan ang libro, sila ang silong at kubkuban ko at hindi ako nabigo.

 Sa kwarto namin ng mga kapatid ko mga libro ang naghahari kahit ako lang sa pamilya namin ang nagbabasa ng mga ito. Iba't iba ang hilig namin. Ang gitara sa larawan ay sa kapatid ko, wala siyang hilig sa pagbabasa mas hilig nya ang musika.

 Hindi ko rin namalayan na marami na pala akong libro sa kwarto, hindi ko na rin namalayan na hindi na ako makasabay sa dami nila. Mas madali ang bumili ng bumili ng libro kesa magbasa. Mabilis ako sa pagbili pero mabagal sa pagbabasa. Kung ituturing mga nasa kalahati palang ng mga Phil-Lit na libro ko ang aking nababasa. Ang mga klasikong ingles, pilosopiya, kontemporaryong ingles atbp. nalibro na nasa tukador ay nagaabang para sila'y basahin o buklatin man lang.

 Magulo ang tukador ng mga libro ko, labu-labo. Mas marami ang walang plastic cover sa meron. Minsan ko lang kasing mapagtripan ang plastic cover. Minsan bumili ako ng plastic adhesive para balutan ang mga lumang libro na nabili ko ng segunda mano. Mas mura kasi, hindi ako bumibili nga libro sa anyo nila. Kung bago o segunda mano, wala akong paki, mas mahalaga sa akin ang kanilang nilalaman. At masaya rin ako sa pakiwari na hindi lang ako ang nakapagbasa ang librong tangan ko, dahil binili ko ito mula sa dati nyang amo at hindi sa bookstore.


 May trabaho na ako ngayon, bagama't part-time lang, nagawa ko namang bumili ng isang tukador na mas mainam at maisasaayos ang kalagayan nila. Eto na sila ngayon. Phil-Lit pa rin ang hari sa bago kong tukador, dalawa sa palapag nito ay para lamang sa kanila.

Pero medyo luma na itong larawan na ito, bigla kasing nagdaan ang Manila Intl. Book Fair, at nadagdagan sila.

-Ayban